MANILA – Tiniyak ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella, gagawin lahat ng gobyerno para masiguro na maibabalik sa normal ang pamumuhay ng mga residente lalo na’t na gumaganda na ang panahon.Ilang probinsya kasi sa Northen Mindanao ang nalubog sa baha partikular na ang Cagayan De Oro City.Mahigit apat na libong residente ang napinsala ng malawakang pagbaha dahil sa malakas na pag-ulan.Ayon kay Abella, nagbibigay na ng ayuda ang Department of Social Welfare and Development sa mga apektadong pamilya sa CDO na isinailalim sa state of calamity.Naka-prepositioned na aniya sa Misamis Occidental, Camiguin Island, Iligan at Bukidnon ang aabot sa 3,200 na sako ng bigas.Bukod dito, mayroon ding inihanda ang DSWD na 9,000 family food packs, 2,000 dignity kits at stand-by fund na pitong milyon piso.Kagabi ipinadala na rin ang mga dignity kit at food packs sa mga apektadong pamilya ng pagbaha sa Northern Mindanao.
Gobyerno, Tiniyak Na Gagawin Lahat Para Maibalik Sa Normal Ang Pamumuhay Ng Mga Residenteng Naapektuhan Ng Malawakang Pa
Facebook Comments