Gobyerno, tiniyak na laging bukas sa hinaing ng mga nasa sektor ng transportasyon

Bukas ang pamahalaan sa mga concerns at isyu na maaaring ilahad ng sektor ng transportasyon, lalo na sa usapin ng PUV Modernization Program.

Ito ang iginiit sa Bagong Pilipinas Ngayon public briefing ni LTFRB Technical Division Head Joel Bolano, matapos ang transport strike ng grupong Manibela laban sa modernisasyon.

Ayon kay Bolano, umaasa sila na magkakaroon ng pagkakataon na makapag-usap palagi ang magkabilang-panig upang maayos na maresolba at matalakay ang hinaing ng mga kumokontra sa programa.


Giit pa ng opisyal, na bukas ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Department of Transportation (DOTr) sa mga suhestiyon at katunayan ay patuloy silang nagsasagawa ng mga konsultasyon sa mga stakeholders kaugnay dito.

Pagbili ng 40 mga bagong units ng patrol boats para sa PCG, target ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Magkakaroon ng 40 units na mga bagong patrol boats ang Philippine Coast Guard (PCG) sa mga darating na panahon na gawa lamang dito sa Pilipinas partikular sa lalawigan ng Cebu.

Pahayag ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kasabay ng ika-122 founding anniversary ng PCG kahapon.

Sa isang panayam, sinabi ng presidente na ang mga dagdag na bagong patrol boats ay magpapalakas sa kapabilidad ng PCG na mabantayan ang mahabang coastline ng bansa.

Mapalad aniya ang Pilipinas, dahil maraming kaibigang mga bansa na tumutulong para pagandahin at palakasin ang kakayahan at Philippine Coast Guard.

Samantala sa talumpati rin ng pangulo, sinabi nitong dahil sa patuloy na pagprotekta ng PCG sa kapakanan ng mga mangingisdang Pinoy, pagtulong sa panahon ng kalamidad at pagbabantay sa kapaligiran.

Nangako ang pangulo, na susuportahan ang pagpapaganda pa ng kapabilidad ng PCG.

Facebook Comments