Marawi City – Tiniyak ng pamahalaan na sapat ang kanilang pondo para tugunan ang pangangailangan ng mga apektadong residente na lumikas mula sa kaguluhan sa Marawi City.
Ayon kay DSWD Sec. Judy Taguiwalo – wala pang natatanggap na foreign aid ang Pilipinas.
Gayunman sabi ng kalihim – wala rin namang pangangailangan para sa anumang ayuda na galing sa ibang bansa dahil kontrolado pa ng pamahalaan ang sitwasyon.
Una rito – inihayag ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na naghahanda na ang Duterte administration para sa ipatutupad na Comprehensive Multi-Year Marawi Reconstruction Plan.
Nilinaw din ni Abella – na ang P10 billion na gagamiting financial assistance sa mga biktima ng Marawi siege ay magmumula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) habang ang pagpapatayo ng mga imprastruktura ay manggagaling sa national budget.
Sa tala ng pamahalaan – mahigit tatlong milyong pamilya na ang lumikas dahil sa mahigit isang buwan ng bakbakan sa Marawi.