Hindi hininto ng pamahalaan ang prosesong pangkapayapaan.
Ayon kay acting Presidential Adviser on Peace, Reconcilliation and Unity Isidro Purisima na hindi lamang naman peace talks o pakikipag-usap sa matataas na opisyal ng mga rebelde at komunistang grupo ang nakapaloob sa peace process.
Malaking bahagi aniya nito ay ang pagpapatupad ng local peace engagements.
Paliwanag ni Purisima, na batay sa local peace engagement, tinitiyak ng gobyerno na nakararating ang mga pangunahing serbisyo at mahahalagang proyekto ng pamahalaan sa pinaka-malalayong barangay sa bansa.
Ito aniya ay nationally directed pero locally implemented.
Sa mga lokal na pamahalaan aniya nakaatang ang pagpapatupad nito upang matiyak na direktang napakikinabangan ng mga nasa barangay o komunidad.
Sa katunayan aniya, hinihimok nila ang mga lider ng komunistang grupo na bumaba at makiisa sa mga ipinatutupad na programa ng gobyerno.
Ito aniya ang isang paraan para ganap na maipatupad ang peace process.