Gobyerno tuloy sa pagbabantay sa lagay ng mga Pilipino sa Libya

Sa gitna nang patuloy na giyera sa Libya, tiniyak ng gobyerno ang pananatiling alerto para umalalay sa mga Pilipino roon.

Sa impormasyon ni Philippine Charge d’ Affaires to Libya Elmer Cato. Dalawang bagong kasapi ng Rapid Response Team ang dumating sa Tripoli, kapitolyo ng Libya.

Sila ang papalit sa 2 miyembro ng RRT na nakapagsilbi na nang 1-buwan sa bansa para umalalay sa mga OFW doon na maiipit sa kaguluhan o nais nang umuwi.


Alert level 4 ang itinaas sa Libya na nangangahulugan nang forced evacuation.

Gayunman marami pa ring OFW lalo na sa Tripoli ang tumatanggi pa ring umalis kayat hindi rin iniaalis ang deployment ng rapid response team ng Pilipinas.

Facebook Comments