Gobyerno, tutulong na rin sa mga electric cooperative sa Negros at Panay dahil sa malawakang brownout

Tutulungan na ng pamahalaan ang mga electric cooperative sa Negros at Panay sa distribution ng kuryente.

Sinabi ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa panayam habang patungo dito sa Washington D.C matapos makaranas ng malawakang brownout ang dalawang lugar sa mga nakalipas na araw.

Paliwanag ng pangulo, hindi kapos ang suplay ng kuryente sa Negros at Panay sa halip ay mayroon lamang problema sa distribution system.


Nilinaw naman ng pangulo na hindi take-over ang gagawin ng gobyerno kundi tutulong lamang para maayos ang prooblema.

Nakatatawa ayon sa pangulo na nagkakaproblema sa kuryente ang Negros gayung mayroon naman itong surplus power supply.

Sa ngayon ayon sa pangulo, nabigyan na nang solusyon ang power outage sa Occidental Mindoro.

Ang pangulo ay nasa Washington D.C ngayon para sa kanyang limang araw na official visit.

Facebook Comments