Manila, Philippines – Inatasan ng Palasyo ng Malacañang ang mga kinuukulang tanggapan ng Pamahalaan na tulungan ang mga Overseas Filipino Workers na posibleng maapektuhan ng problema sa Middle East.
Matatandaan kasi na pinutol na ng Saudi Arabia, United Arab Emirates, Egypt at Bahrain ang kanilang diplomatic relations sa Qatar dahil sa issue ng terorismo.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, magbibigay ng kinakailangang tulong ang gobyerno sa mga maaapektuhang OFW.
Ipinaubaya rin naman ng Malacañang sa Department of Foreign Affairs ang paglalabas ng anumang statements kaugnay sa issue.
Bahala narin naman aniya ang Department of Labor and Employment na gumawa ng anomang hakbang para matulungan ang mga Pinoy workers sa nasabing bansa.
DZXL558