Gobyerno, uutang ng 178.1 milyong dolyar sa World Bank upang tugunan ang stunted growth sa mga kabataang Pilipino

Uutang muli ang gobyerno sa World Bank ng 178.1 million US dollar upang tugunan ang patuloy na paglaganap ng stunted growth sa mga kabataang Pilipino.

Layon nito na palakasin ang mga hakbang upang mabawasan ang kaso ng stunted growth sa bansa sa tulong ng Department of Health (DOH) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Nakatakdang pagpasyahan ng World Bank ang pag-apruba ng huling utang ng Duterte administration sa June 22.


Batay sa datos ng Department of Science and Technology (DOST), nasa 30.8% ang paglaganap ng child stunting sa bansa noong 2018 habang base sa datos ng World Bank ay nasa 29% ito noong 2019.

Lumalabas na isa sa bawat tatlong batang Pilipino na edad lima pababa ay mayroong stunted growth.

Sinabi rin ng World Bank na panglima ang Pilipinas sa buong East Asia at Pacific Region na may pinakamataas na paglaganap ng pagkabansot at kabilang sa 10 bansa sa buong mundo na may pinakamataas na bilang ng bansot na bata.

Facebook Comments