Gobyerno, wala pang projection kaugnay sa dami ng maaaring maaning sibuyas sa susunod na taon

Hindi pa makapag-bigay ng projection ang pamahalaan kaugnay sa kung gaano karami ang posibleng maaning sibuyas sa 2023.

Paliwanag ni Department of Agriculture Deputy Spokesperson Rex Estoperez sa Laging Handa Public briefing, hindi pa kakayaning makapag-bigay ng estimate lalo na’t kagagaling-galing pa lamang sa bagyo ng ilang mga lugar sa bansa.

Maliban dito ay nag-iingat din aniya ang ilang mga magsasaka sa pagtatanim, napakataas ng cost of production at hindi nila alam kung kailan darating ang isang bagyo.


Ang importante dito ayon kay Estoperez ay ang intervention ng pamahalaan na dapat gawin sa mga magsasaka nang sa gayon ay mahikayat ang mga itong mag-produce pa ng sibuyas para magkaroon ng production estimation.

Samantala, inihayag ni Estoperez na mahalagang matumbok ang kasalukuyang sitwasyon sa supply and demand ng sibuyas at ito’y sa harap na rin ng plano ni Senadora Imee Marcos na magpatawag ng imbestigasyon kaugnay sa posibleng ugnayan ng mga traders para manipulahin ang presyo ng sibuyas.

Facebook Comments