Gobyerno, walang flood master plan kaya nalulusutan ng mga kwestyunableng flood control projects

Manila, Philippines – Natuklasan sa pagdinig ng house committee on rules ang kawalan ng flood master plan dahilan kaya nakakalusot ang mga kwestyunableng transaksyon kaugnay sa mga flood control projects sa 2019.

Malaking kwestyon dito ang pagbuhos ng mga malalaking alokasyon at proyekto sa Sorsogon at sa iba pang mga lugar na hindi naman pala binabaha.

Batay naman sa mga dokumento mula sa DPWH, lumalabas na ikalawa lang ang Sorsogon sa may malaking budget allocation para sa mga imprastruktura nuong 2018 na aabot sa P10.5 billion at nagamit ang lahat ng pondo para sa mga proyektong pipigil sa pagbaha sa lalawigan.


Una sa listahan ang lalawigan ng Albay na may P11.2 billion, ikatlo ang Camarines Sur, sumunod ang Masbate, Camarines Norte at Catanduanes.

Nagisa rin sa pagdinig ang mga district engineers ng DPWH at ang DPWH region 5 patungkol sa pagpapalusot ng bids and awards committee dahil sa mga inaprubahang kontrata ng CT Leoncio Construction and trading samantalang nagrerenta lamang ito ng heavy equipment at mayroong tatlong project engineers pero nagawang makakuha ng mahigit 30 kontrata mula sa gobyerno.

Facebook Comments