Gobyerno, walang sinisino sa paglaban sa iligal na droga at iba pang iligal na gawain ayon sa Palasyo

Manila, Philippines – Inihayag ng Palasyo ng Malacañang na hindi lumalaylay ang kampanya ng Administrasyong Duterte sa paglaban sa iligal na droga at iba pang iligal na gawain sa bansa.

Ito ay sa harap narin ng pagkakapatay kay Osamis City Mayor Reynaldo Parojinog at 14 na iba pa dahil nanlaban umano ang mga ito sa raiding team ng PNP na sanay magsisilbi ng search warrant.

Pinanindigan naman ng Philippine National Police na lehitimo ang ginawang operasyon ng PNP sa pangunguna ni Police Chief Inspector Jovy Espenido na hepe ng Osamis City Police.


Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, ipinakikita sa mga operasyon ng PNP na walang sacred cow o walang sinisino ang Administrasyong Duterte at hahabulin ang lahat ng pinaghihinalaang sangkot sa iligal na gawain.

Paliwanag ni Andanar, maliit o malaking personalidad man ay hindi palalampasin ng pamahalaan basta’t nasasangkot ang mga ito sa iligal na gawain lalo na sa iligal na droga.

Facebook Comments