Gobyernong May Puso, Walang Pipiliin Pagdating Sa Pagbibigay Ng Serbisyo Publiko

20

MANILA – Nangako si Independent Vice Presidential candidate Sen. Francis “Chiz” Escudero at katandem na si Sen. Grace Poe na walang pipiliin ang “Gobyernong may Puso” pagdating sa pagbibigay ng serbisyo publiko sa taumbayan.Sa Vice Presidential debate noong Linggo sinabi Escudero na puti (white) ang pinili nilang kulay sa kampanya, para ipakita ang patas na paninilbihan sa lahat ng sektor – dahil ang kahirapan anya ay walang pinipiling kulay.Ayon kay Escudero, ipaglalaban ng “Gobyernong may Puso” kung ano ang tama at lalabanan ang mali… kakampi man ito o kalaban.Anya, uunahin niya ang interes ng mas nakakarami at nangakong hindi magnanakaw sa pera ng taumbayan.Kabilang sa plataporma ng “Gobyernong may Puso” ang pagsupo sa kahirapan, paglaban sa katiwalian at ang pagpapalago sa ekonomiya ng bansa.

Facebook Comments