“Godfather” ng POGO, nananatili sa detention facility ng PAOCC

Nananatili sa detention facility ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa Pasay City ang sinasabing “godfather” ng POGO sa buong Pilipinas na si Lyu Dong matapos itong maaresto sa isang subdivision sa Biñan, Laguna.

Bantay-sarado ang nasabing detention facility kung saan hindi pa mabatid kung anong oras isasailalim sa inquest proceedings si Lyu Dong na mas kilala sa alyas na “Hao-hao.”

Matatandaan na bukod sa tinatawag na “boss of the boss” ng POGO, nananatili rin sa detention facility ang 10 Chinese POGO bosses at pitong bodyguard nila na pawang mga Pinoy.


Si Lyu Dong ang sinasabing utak ng mga “scam farm” sa Pilipinas at may mga koneksyon sa ilang lalawigan para mag-operate ng POGO.

Sa ngayon, wala pa naman pahayag si PAOCC Chief Undersecretary Gilbert Cruz kung anong oras sasailalim sa inquest proceedings ang mga nadakip na dinala sa nasabing pasilidad pasado alas-3:00 ng madaling araw.

Facebook Comments