Pasay City – Bibigyan ng heroes welcome si airwoman first class Hidilyn Diaz sa headquarters ng Philippine Air Force sa Pasay City.
Ito ay matapos na manalo ito ng gold medal sa 2018 Asian Games weightlifting competition na ginanap sa Jakarta Indonesia.
Pangungunahan mismo ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang heroes welcome kay Diaz dito mismo sa Multi-Purpose Gymnasium ng Philippine Air Force.
Sa heroes welcome magsasagawa ng motorcade mula sa Gate 1 ng kampo ng Philippine Air Force hanggang Multi-Purpose Gym.
Si Hidilyn Diaz ay dumating kahapon sa bansa mula sa Indonesia kung saan isinagawa ang competition.
Maliban kay Diaz may dalawang miyembro pa ng Philippine Air Force ang paparangalan na kasama rin sa 2018 Asian Games weightlifting competition ito ay sina airman second class Nestor Colonia at airman second class Jeffrey Garcia.