GOLD MEDALIST | Hidilyn Diaz, makakatanggap ng insentibo sa ilalim ng athletes benefits and incentives law

Manila, Philippines – Pinuri ni Senador Sonny Angara ang weightlifter na si Hidilyn Diaz matapos makakuha ng unang gintong medalya sa Asian Games sa Jakarta, Indonesia.

Ayon kay Angara, nakikiisa sila sa milyu-milyong nagbubunyi sa pagkapanalo ni Hidilyn at ipinamalas ang fighting spirit ng mga Pilipino.

Aniya, nararapat lamang na mabigyan siya ng buong suporta dahil sa parangal na ibinibigyan niya sa bansa.


Nakatakdang maghain si Angara ng resolusyon na magbibigay pagkilala kay Diaz at sa natitirang Filipino medalist sa Asian Games.

Sa ilalim ng Republic Act 10699, si Diaz ay makakatanggap ng ₱2 million pesos cash incentive mula sa gobyerno.

Layunin ng RA 106999 na taasan ang halaga ng cash incentives at palawakin pa ang benepisyo na maibibigay sa mga atleta, coaches at trainers.

Bukod sa ₱2 million cash incentive sa ilalim ng RA 106999, makakatanggap din si Diaz ng ₱2 million mula sa Philippine Olympic Committee (POC) at isang milyong piso mula sa Siklab Foundation at sa Philippine Ambassador to Indonesia Lee Hoong.

Facebook Comments