‘Golden Age’ ng reporma sa edukasyon, inaasahan sa ilalim ng pamunuan ni VP-elect Sara Duterte

Inaasahan ng Kamara na magiging “Golden Age” ng reporma sa edukasyon ang pamumuno ni Vice President-elect Sara Duterte sa Department of Education (DepEd).

Ayon kay Albay Rep. Joey Salceda, tulad sa kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte na ang termino ay naging “golden age of economic reforms”, ganito rin ang mangyayari sa ilalim ng pamunuan ng bise presidente na tinawag niyang “Golden age of education reforms and innovation”.

Umaasa si Salceda, kaalyado ng ikalawang pangulo, na dadalhin ni VP-elect Duterte sa DepEd ang pinakamahuhusay na talento mula sa academe, civil society at private sectors.


Inaabangan din ng kongresista ang pagbuo ng bise presidente ng isang team sa ahensya na bubuwag sa tradisyon o iyong mga kasanayan na matagal nang nakagawian.

Tiwala ang mambabatas na magiging “innovative” o makabago si VP-elect Duterte patunay dito ang mga nailatag at naipatupad na pagbabago gaya na lamang sa kanyang lugar sa Davao City.

Facebook Comments