GOLDEN AGE OF INFRASTRUCTURE | Mga manggagawa para sa Build, Build Build Program, posibleng kapusin

Manila, Philippines – Nangangamba ang Department of Labor and Employment (DOLE) na posibleng magkulang ng manggagawa para sa ‘Golden Age of Infrastructure’ na aarangkada na ngayong Bagong Taon.

Ayon kay DOLE Bureau of local Employment Director Dominique Tutay – malaking hamon ang industriya ng local construction para mapunan ang labor demands sa government and private sector.

Aniya, umangat sa 3.59 million ang trabaho sa construction pero umabot naman sa 120,000 ang labor shortage sa bansa nitong 2017 dahil sa demand ng Filipino construction workers abroad.


Sa pagtaya ng National Economic And Development Authority (NEDA), ang gobyerno pa lamang ay nangangailangan na ng 300,000 construction workers para sa Build, Build, Build Program mula 2018 hanggang 2022.

Sa ilalim ng programa, 12 hanggang 15 proyekto ang sisimulan na ngayong taon.

Facebook Comments