‘Golden era’ ng PH sports, tuloy pa rin kahit tapos na ang termino ni PDU30

Umaasa si Pangulong Rodrigo Duterte na magpapatuloy ang pamamayagpag ng Philippine sports kahit tapos na ang kaniyang termino.

Sa kaniyang talumpati kahapon, sinabi ng pangulo na malaki ang kaniyang kumpiyansa na ang unang batch ng mga mag-aaral sa National Academy of Sports’ (NAS) ang mga susunod na magpapamalas sa iba’t ibang international competitions kagaya ng olympics.

Pinuri din ng pangulo ang National Academy of Sports’ na dinisenyo para maging “world class” na institusyon na nagbibigay ng edukasyon at mataas na kalidad ng sports programs sa mga student-athletes.


Kasunod nito, inalala rin ng pangulo ang pagsungkit ni Hidilyn Diaz ng kauna-unahang olympic gold medal para sa Pilipinas.

Ang NAS ay itinayo sa pamamagitan ng Republic Act (RA) 11470 na pinirmahan ng pangulo noong January 9, 2020.

Facebook Comments