Golden retriever sa Scotland, nanganak ng green na puppy

Scotland – Usap-usapan ngayon ang isang tuta na ipinanganak ng isang golden retriever sa Scotland dahil sa balahibo nitong color green (berde).

Nagulat si Louise Sutherland, ang may-ari ng 3-year-old golden retriever na si Rio dahil sa nangyari.

Pero kahit kakaiba ang green puppy na ito na pinangalanan nilang si ‘Forest’, para sa kanila ay pareho lang itong cute puppy katulad ng walo pa nitong kapatid na ipinanganak nang normal.


Sa ngayon ay pinag-aaralan pa ng mga breeder at veterinarian ang rason ng pagiging green nito.

Facebook Comments