NBA – Inilampaso ng Golden State Warriors ang Minnesota Timberwolves sa score na 121-107 sa nagpapatuloy na NBA season.
Umeksena ng husto si Klay Thompson na nakakuha ng 41 points para maipanalo ang team.
Ito na ang ika-12 winning streak ng team.
Para kay Thompson, ito naman ang ika-10 niyang 40-point game sa kanyang career.
Inaasahang lalo pang lalakas ang Golden State (64-14) bilang numero uno sa Western Conference sa pagbabalik sa sunod na Linggo ni Kevin Durant.
Nation
Facebook Comments