Golden State Warriors – kumpiyansang masusungkit ang kampeyonato ngayong NBA finals

NBA – Tiniyak ngayon ng koponan ng Golden State Warriors na makakamit nila ang kampeyonato sa NBA finals.

Kasunod na rin ng do or die na paghaharap nila bukas ng umaga, oras sa Pilipinas sa koponan ng Cleveland Cavaliers.

Binigyan diin ni Warriors Star Kevin Durant na wala silang panahon ngayon para mag-relax lalo pa at isang panalo nalang ang kanilang kailangan para hirangin kampeon sa nasabing torneyo.


Iginiit ni Durant na marami pa ang maaring mangyari sa pagpapatuloy ng best-of-seven series kaya kailangan nilang panatilihing mataas ang lebel ng kanilang paglalaro.
DZXL558

Facebook Comments