Golden toilet, tampok ngayon sa isang museum sa New York

America – Pinipilahan ngayon sa isang museum sa New York ang kakaiba at nakaka-relax na toilet bowl.

Ang nasabing toilet bowl na ‘America’ na obra ng Italian artist na si Maurizio Cattelan ay fully functional at 100 percent na gawa sa 18-karat gold at makikita Sasolomon R. Guggenheim Museum.

Umabot na sa 100,000 na tao ang gumamit sa toilet mula nang i-display ito sa museum at maging ang mga pangkaraniwang tao ay maaring makaranas na gumamit nito ng walang bayad.


Tatagal ang nasabing exhibit hanggang September 15 kaya’t naisipan ngayon ng mga organizers na magdagdag pa ng security dahil dumadami na ang mga taong nais ma-experience ito.

Facebook Comments