Wala pang malinaw na motibo na nakikita ang mga otoridad kaugnay sa pamamaril-patay sa dating OFW na si Rahima Matabalao Balabaran, 36 at residente ng Datu Balabaran, Cotabato City.
Ayon kay Police Station 3 Commander Police Maj. Roel Zafra, sa ngayon ay tinitingnan nila ang lahat ng anggulo sa posibleng motibo sa pagpaslang sa biktima.
Si Balabaran ay pinagbabaril ng riding-in-tandem criminals pasado alas 7:00 kagabi habang nagpapahangin sa labas ng kanilang tahanan.
Nagtamo si Balabaran ng tama ng bala sa iba’t-ibang parte ng kanyang katawan na naging sanhi ng agara nitong pagkasawi.
10 mga basyo ng bala ng kalibre 45 na pistola ang narekober ng mga otoridad sa crime scene.
Hinihiling ngayon ni Police Station 3 Commander Police Maj. Roel Zafra ang tulong ng sino mang nakasaksi sa pamamaril sa dating OFW na si Rahima Matabalao Balabaran na makipag-tulungan sa mga otoridad para sa pagkakakilanlan ng mga salarin.
Hinihimok ni Maj. Zafra ang posibleng nakasaksi sa krimen na makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan upang nakunan ng salaysay.
Napag-alaman na naulila ng biktimang si Balabaran ang 6 nitong mga anak.(Daisy Mangod)
CCTO
Gonang pinagbabaril , Patay sa Cotabato City
Facebook Comments