Bumuo na ng Technical Working Group ang Senado para pag-aralan ang pag-amiyenda sa Good Conduct Time Allowance Law para sa mga preso.
Ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, hindi lang ang Bureau of Corrections ang dapat mag-apruba sa listahan ng mga preso na mapapalaya ng maaga dahil sa mabuting pag-uugali.
Pag-aaralan na rin ang paglalagay ng probisyon para madiskwalipika sa Good Conduct Time Allowance ang mga presong nakagawa ng Henious Crime o karumal-dumal na krimen.
Sinabi naman ni Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin, pwede namang kwestyunin sa Korte Suprema ang hindi pagpapatupad ng GCTA Law sa mga presong nakagawa ng Henious Crime.
Dumipensa rin si Bersamin sa desisyon ng Korte na gawing retroactive ang pagpapatupad ng nasabing batas.