Good Financial Housekeeping, Iginawad Sa Pamahalaang Panlungsod ng Cotabato!

Maituturing na maganda ang pasok ng taung 2018 para sa lokal na pamahalaan ng Cotabato City at ng Cotabatenos, ito’y makaraang ginawaran na naman ng DILG Seal Of Good Financial Housekeeping ang city government.
Bahagi ng SGLG Award na tinanggap ng City Government of Cotabato noong nakaraang taon ay ang Certification of Good Financial Housekeeping.
Ito na ang ikatlong pagkakataon na nakatanggap ng kahalintulad na pagkilala ang lungsod.
Ang certification ay ibinibigay sa local government units na nakapag-comply sa transparency aspect ng SGLG, nangangahulugan ito na ang CITY GOVERNMENT OF COTABATO ay may mainam na FINANCES AND ACCOUNTABILITY o mahusay sa pananalapi.(photo credit:citygovernmentofcotabato)

Facebook Comments