Good Governance apila ni Buldon Mayor sa mga Elected Barangay Officials

Pinangunahan ni Mayor Abolais Manalao ang isinagawang Mass Oathtaking ng mga naihalal na mga Barangay at Sangguniang Kabataan Officials sa Buldon Maguindanao kahapon.

Isinagawa ang aktibidad sa gymnasium sa Brgy. Calaan na dinaluhan ng mga mga opisyales mula sa labing limang barangay ng bayan.

Good Governance, at maipagpatuloy ang mga nasimulang adbokasiya kontra illegal drugs, terorismo ang pangunahing direktiba ni Mayor Manalao sa mga naihalal na opisyales.


Aminado ang alkalde na hindi makakaya ng LGU na maibigay ang lahat ng serbisyo sa kanilang mga kababayan kapag hindi makipagtulungan sa kanila ang mga barangay officials.

Maituturing na ang katatapos na 2018 Barangay at SK elections sa Buldon ang pinakamapayapa sa kasaysayan ng bayan ayon pa sa mga otoridad.

Matatandaang kabilang ang Buldon sa ginawaran ng Seal of Good Local Governance ng DILG Central Office noong 2017 bunsod na rin sa mga naging inisyatiba ng LGU sa pangunguna ni Mayor Manalao.

Facebook Comments