GOOD IDEA! | "Debt Pyramid Concrete" – Inilagay ng isang utility company sa harap ng bahay ng residenteng hindi nagbabayad ng water bill

Russia – Dito sa pilipinas, kapag hindi nakabayad ng bill sa tubig, puputulan ka ng suplay.

Pero sa Russia, nakaisip ng kakaibang paraan ang isang utility company para mapilit na magbayad ang isang residente sa Zubchaninovka Village na matagal nang may-utang sa kanyang water bill.

Ito ay sa pamamagitan ng paglalagay ng 1.5-meter tall, three-tonne concrete pyramid sa harap ng kanyang bahay!


Ilang beses na raw kasi nilang tinawagan at pinadalhan ng notice ang hindi pinangalanang residente dahil sa umabot na sa utang niya sa 50,000 ruble o katumbas ng mahigit P42,000, pero wala silang nakuha ‘ni isang sagot.

Samantala, tinawag nila itong “Debt Pyramid” kung saan nakasulat ang ilang shameful slogans gaya ng “a debtor lives here” at “you must pay your water bill”.

At simula nang ilagay ang concrete pyramid sa harap ng kanyang bahay, nagpahiwatig na raw ng intensyong magbayad ng utang ang residente.

Facebook Comments