GOOD NEWS! | 100 libong trabaho, iniaalok ng China – DOLE

103

Manila, Philippines – Ikaw ba ay magaling sa English?

Aabot sa 100,000 na English teachers ang kinakailangan ngayon sa China.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, maliban sa English teachers, nangangailangan din ang China ng mga English-speaking na household workers.

Sa ngayon, sumusweldo ng $1,500 ang English teachers sa China o katumbas ng P78,000.

Ayon kay Bello, maaring ngayong buwan na ito o sa susunod na buwan ay lumagda ang Pilipinas at China sa isang bilateral agreement para sa pag-deloy ng mga OFW.

Ang mga trabaho sa China ay isa sa tinitignan ng pamahalaan para paglipatan ng OFWs na umuwi sa Pilipinas galing Kuwait.

Facebook Comments