Kinagiliwan ng netizens ang 100 taon gulang Bayambangueño na si Lolo Eusebio, sa pagiging malakas nito at kabisado pa ang mga naging proyekto para sa pagbabago sa ikatlong distrito ng Pangasinan.
Mapapansin kay Lolo Eusebio na malakas pa ang kanyang pangangatawan, may matalas na pag-iisip at higit sa lahat ay nakakapag-maneho pa ng e-bike sa kabila ng kanyang katandaan.
Kamakailan ay natanggap na ni Lolo ang 100 thousand na bigay ng gobyerno sa kanyang pagiging centenarian, alinsunod sa Republic Act No. 10868.
Bilang selebrasyon na rin sa Elderly Week noong nakaraang linggo, isa si Lolo Eusebio sa binibigyang pugay bilang mga nakakatandang Pilipino, para sa kanilang mga aral at kontribusyon sa makabagong henerasyon. |ifmnews
Facebook Comments