GOOD NEWS | 1,000 Pinoy, may trabahong naghihintay sa Israel

Aabot sa 1,000 Pinoy ang maaaring makapagtrabaho sa Israel matapos lagdaan ang isang labor agreement.

Nilagdaan ang kasunduan nina Labor Secretary Silvestre Bello III at Israeli Tourism Minister Yariv Levin.

Sa kasunduan, ang mga Filipino ay maaaring mabigyan ng trabaho bilang staff o cleaners sa mga hotel.


Una nang nagkaroon ng kasunduan ang Pilipinas at Israel na magbabawas o magtatanggal ng placement fee sa mga Pinoy caregiver.

Sa taya ng Embahada, nasa 28,000 na mga Pinoy ang nagtatrabaho sa Israel.

Facebook Comments