GOOD NEWS/13 LGU sa ARMM pinarangalan ng SCFLG

Labing tatlong bayan sa Autonomous Region in Muslim Mindanao ang nakasungkit ng Seal of Child- Friendly Local Governace para sa taong 2017.

Sa inilabas na impormasyon ng Council for the Welfare of Children noong January 15 2018, kabilang ang mga bayan ng Talipao sa Sulu , Parang Maguindanao , Datu Abdullah Sangki, Piagapo LDS , Barira , Balidong, Datu Odin Sinsuat, Binidayan, Kapatagan LDS , Sultan Kudarat, Sultan Mastura, South Upi at bayan ng Upi.

Kabilang ang 13 mga LGU ng ARMM sa 1, 365 ng mga LGUs sa buong bansa na binigyan ng pagkilala noong nakaraang taon base na rin sa monitoring at assessment ng CWC katuwang ang Department of Interior and Local Government.


Ang pangangalaga ng karapatan at pagbibigay ng serbisyo sa mga kabataan ang ilan lamang sa naging basehan para mabigyan ng pagkilala ng SCFLG ang mga nasabing LGU .

Kaugnay nito patuloy ang paghimok ni DILG ARMM Secretary Atty. Kirby Abdullah sa lahat ng LGU sa rehiyon na ipagpatuloy ang mga repormang ginagawa alinsunod sa direktiba ni ARMM Governor Mujiv Hataman.

Facebook Comments