Manila, Philippines – Matatanggap na sa November 29 ang pa-bonus ng Social Security System (SSS) sa mga pensyonado.
Ito ay 13th month pension o katumbas ng isang buwang regular na pensyon.
Aabot sa ₱2,200 hanggang ₱21,000 depende sa naging kontribusyon.
Nasa 22 bilyong piso ang nakalaang budget ng SSS para sa 2.4 million na pensioners.
Pero aminado si SSS Assistant Vice President for Media Affairs Louisa Sebastian – na hirap sila sa pagbibigay ng benepisyo mula Enero hanggang September ngayong taon.
Nasa 127 billion pesos lang ang nakolektang membership contribution habang nasa 134 billion pesos ang binayaran nitong benepisyo.
Nagsimula ito nang taasan ng ₱1,000 ang buwanang pensyon nang hindi naman tinataasan ang kontribusyon.
Sakaling hindi taasan ang membership contribution ay pwede nang magamit ang pondong pinalalago para sa susunod pang pensyonado.