GOOD NEWS: 2019 BAR PASSER NA TUBONG MALASIQUI, PANGASINAN, PINAGMALAKI NG BAYAN

Bago matapos ang buwan g Abril, inilabas na sa oubliko amg mga nakapasa sa 2019 Bar Exam. Lingid sa kaalaman ng karamihan, isa pang Pangasinan pride ang nakapasa rito. Ito ay si Atty. Rosanne Veronica Mamaril – Roxas. Bagamat nasa Quezon City, Metro Manila sa ngayon si Atty. Roxas, buong pusong pinagmalaki siya ng kanyang probinsiya.

Sa post ng Facebook Page ng Malasiqui LGU, nitong May 4, 2020, binati nila ito at sinabing isa siyang “another pride of Malasiqui.” Si Atty. Rosanne ay nagtapos sa San Beda College of Law at naging Vice President ng San Beda Law Student Government. At sa edad na Bente Sais, (26) ganap ng nakamit ni Rosanne ang pangarap na maging Lawyer. Anak siya nina CA Justice Ruben Roxas at Atty. Silvina Mamaril – Roxas.

Sa aking panayam kay Atty. Rosanne via Messenger, nabanggit nito na ang kanyang ina ay nag 10th place noong 1988 Bar Exam. Sa huli ng aking panayam, nagbahagi ng advise si Atty. Roxas sa mga aspiring lawyers. Aniya, dapat maging handa sa mga Sleepless nights, Gatherings na hindi madadaluhan at Countless heartbreaks sa tuwing babagsak. Subalit, sa tamang Focus, disiplina at panalangin, makakamit mo rin ang iyong inaasam asam na titulo.


Dagdag pa nito, (and I quote) “When you finally attain the title Atty., continue to uphold the rule of law but understand when the higher dictates of right and justice should prevail.” “Tunay na kahanga hanga. Congratulations Atty. Rosanne Roxas at sa lahat ng 2019 Bar Passer.

_________

*Ulat ni Idol Maya*

Facebook Comments