Manila, Philippines – Nadagdagan pa ang facilities ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na idineklara ng drug free jails ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Mula 68 ay naging 307 na, ibig sabihin nito, 74.51% ng mga piitan sa buong bansa na pinangangasiwaan ng BJMP ang nakatugon na sa mga requirements na itinakda ng PDEA at Philippine National Police (PNP).
Ayon kay BJMP Chief Jail Director Deogracias Tapayan, Walo sa mga Regions na may 100 % compliant ay ang BJMP -Regions 1, 2, 3, 5, 6, 8, 11 at Cordillera Administrative Region (CAR).
Malapit na ring makakatugon dito ang Region 4A, 10 at ARMM na halos nasa 80% na ang recorded rate.
Bilang suporta sa nationwide drive, 13 Local Government Units (LGUs) ang nagpahayag na ng kooperasyon para palakasin ang kanilang kampanya laban sa illegal drug operation sa kanilang lugar.