Good news! 46 escalators at 34 elevators sa mga istasyon ng MRT-3 fully-operational na

Simula ngayong araw ay operational na ang lahat ng escalators at elevators sa mga train stations ng Metro Rail Transit o MRT-3.

Ayon kay MRT-3 Director for Operations Michael Capati, nakumpleto na ng Sumitomo-MHI-TESP ang pagkukumpuni sa 46 escalator units at 34 elevators sa lahat ng mga istasyon.

Bago isinagawa ang malawakahang rehabilitasyon ng MRT-3, 19 lang sa 46 escalators at 27 sa 34 elevators ang gumagana sa mga istasyon ng MRT-3.


Ngayong naayos ang lahat ng escalators at elevators, malaking ginhawa ito sa mga mahihina, buntis at may kapansanan.

Facebook Comments