GOOD NEWS | 700 mamamayan sa lungsod ng Caloocan, nabigyan ng hanapbuhay

 

 

Caloocan City – Masiglang nagharap ang mga kinatawan ng Caloocan City PESO at 716 na mga mamamayan ng lungsod upang lumagda sa isang kasunduan na nagkakaloob sa kanila ng agarang trabaho.

 

Tinawag na tupad o tulong pangkabuhayan para sa mga displaced, disadvantaged na mga mamamayan, ang 700+ katao ay magiging katuwang ng pamahalaang panglungsod sa pagpapanatili ng kalinisan.

Magtatrabaho ang mga ito sa pamamagitan ng pagwawalis sa lugar na i-a-assign sa kanila sa loob ng 5 araw kung saan, magkakaroon sila ng pagkakataong kumita ng ₱5,256 na magagamit nilang pandagdag sa kanilang mga gastusin.


 

Ayon kay Ms. Violeta Gonzales, Caloocan City PESO manager, ginagawa ng pamahaalang lungsod ang programang ito minsan sa 1 taon upang kahit paano ay mabigyan ng pagkakataong makapagtrabaho ang kanilang mamamayan.

 

Ito ang unang batch ng mga mamamayan ng Kalookan na magtatrabaho sa ilalim ng tupad program, maaaring magkaroon ng mula 4 hanggang 5 batch ang mga ito o depende kung hanggang ilang batch bago maubos ang 3,000 slot na pinaglaanan ng pondo ng pamahalaang panglungsod ng Caloocan. ( Radyoman Ronnie Ramos )

#XL558RADYOTRABAHO #XL558JOBOPENINGS #XL558USAPANGTRABAHO #RADYOTRABAHO
#XL558MEETTHEBOSS

 

 

Facebook Comments