GOOD NEWS: BATANG LALAKING TATLONG ARAW NG NAWAWALA, NAIBALIK NA SA KANYANG MGA MAGULANG

Isang labing-isang taong gulang na batang lalake sa Mangaldan ang natagpuang pagala-gala ng halos tatlong araw, matapos itong maiulat na nawawala.
Ang nasabing bata ay kinilalang si John Nathan “Paloy” Borromeo, taga San Miguel, Calasiao at nagsimulang ideklarang nawawala mula Enero 24 at natagpuan ika-27 ng nasabing buwan.
Natagpuan si Paloy malapit sa boundary ng Mangaldan at isinurrender ng kapulisan sa Brgy. Hall ng Bolosan.

Base sa post ni Ellise Joyce Tibayan, nagpaalam umano ang bata na mawawala ng tatlong araw sa kanyang guro kaya naman isang milagro na natagpuan ito sa pangatlong araw.
Nakapanayam ng IFM Dagupan si Tibayan at nilinaw nitong hindi kinupkop ang bata at ito ay pagala-gala lamang at hindi pa kumakain buhat ng kanyang pagkawala.
Samantala, lubos naman ang pasasalamat ng pamilya sa mga tumulong sa paghahanap kay Paloy at posible ng matupad ang kanilang pinaplanong binyag sa bata, sa darating na Pebrero. |ifmnews
Facebook Comments