Manila, Philippines – Asahan na sa katapusan ng Nobyembre ang bawas presyo ng Liquified Petroleum Gas (LPG).
Ayon sa Department of Energy (DOE) oil industry management bureau , pababa na ng pababa ang halaga ng langis sa world market pero hindi pa kumpirmado kung magkano ang ibabawas na presyo sa halaga ng LPG.
Tiniyak naman ng DOE na malaki ang tsansa na magbaba ng presyo sa lpg dahil na rin sa pagbaba ng presyo ng diesel at gasoline sa pagpasok ng December.
Pero hindi naman nila sigurado kung hanggang kailan magtuluy-tuloy ang rollback dahil nakadepende ito sa presyo ng langis sa world market.
Facebook Comments