GOOD NEWS | Bawas singil sa kuryente ipatutupad ngayong Mayo

Manila, Philippines – Magkakakaroon ng bawas sa singil ng koryente ngayong buwan ng Mayo.

Ayon sa Meralco, magpapatupad sila ng P0.5426 na bawas singil sa kada kilowatt hour ng koryente.

Ibig sabihin kung ang isang pamilya ay kumukunsumo ng 200kWh kada katapusan ay makakaasa ng P108 na bawas sa kanilang buwanang bayarin sa kuryente.


Makakatipid naman ng P162 kada bayaran kung ang kunsumo ay nasa 300 kWh, P216 naman sa 400kwh at P270 naman sa 500kWh na gamit sa kuryente.

Facebook Comments