Manila, Philippines – Inaasahaang muling magkakaroon ng malakihang bawas sa presyo ng produktong petrolyo pagpasok ng Disyembre.
Sa unang tatlong araw ng trading, P2 kada litro na ang ibinagsak ng presyo ng imported na gasolina habang P1.93 kada litro naman sa diesel.
Gayunman, depende pa ito sa magiging kalakaran hanggang ngayong araw kaya maaari pang magbago ang halaga ng bawas.
Kapag natuloy, ito na ang ikawalong sunod na linggong nagkaroon ng tapyas sa presyo ng produktong petrolyo.
Samantala, asahan na ang bawas sa presyo sa Liquefied Petroleum Gas (LPG) sa Disyembre 1.
Paliwanag ni Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero, maglalaro sa P5 hanggang P6 ang bawas sa kada kilo ng LPG.
Facebook Comments