Magpapatupad ng bigtime rollback sa produktong petrolyo ang kumpaniyang Petro Gazz ngayong araw.
Epektibo alas-6 ng umaga, may bawas ang Petro Gazz na P2.50 sa kada litro ng gasolina habang P2 sa diesel.
Inaasahan namang susunod na mapapatupad ng kahalintulad na rollback ang iba pang kumpaniyang langis.
Sabi ni Energy Oil Industry Management Bureau Director Rodela Romero, dahil ito sa mataas na produksyon ng langis pero mababang demand sa world market.
Sa nakalipas na apat na linggo, mahigit P5.00 na ang ibinaba sa presyo ng kada litro ng gasolina, P3.00 sa diesel at P2.00 sa kerosene.
Facebook Comments