GOOD NEWS | Bilang ng mga pasaway na taxi drivers, bumaba – LTFRB

Manila, Philippines – Bumaba ang bilang ng mga pasaway na taxi drivers ngayong taon.

Base sa datos ng Public Assistance and Complaints Desk (PACD) ng Land Transportation Franchising and Regulatory (LTFRB), mula Enero hanggang Nobyembre ngayong taon ay nasa 1,123 drivers lamang ang inireklamong nangongontrata at tumangging magpasakay ng pasahero.

Mababa ng halos 50% kumpara sa 2,133 na naitala noong 2017.


Babala ngayon ng LTFRB ang sa mga taxi driver na huwag masasamantala ngayong Christmas season dahil mahigpit na ipatutupad ang ‘oplan isnabero’, crackdown sa mga driver na mang-i-isnab at sobra-sobrang maningil sa mga pasahero.

Ang mga PUV driver na tatangging ihatid ang pasahero sa destinasyon nito at mangontrata ay mapaparusahan.

Sa unang paglabag ay pagmumultahin ang driver ng ₱5,000, nasa ₱10,000 naman at impound sa loob ng 30 araw sa ikalawang paglabag.

Papatawan naman ng ₱15,000 na multa at kanselasyon ng prangkisa kapag naulit sa ikatlong paglabag.

Facebook Comments