Manila, Philippines – Tumaas ang bilang ng mga Pilipinong may trabaho pagpasok ng Enero ng 2018 kumpara sa parehong buwan noong nakaraang taon.
Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), 94.7 posiyento o halos 42 milyong pilipino ang employed, full-time man o part-time nitong Enero mula sa 93.4 posiyento noong Enero 2017.
Pero umakyat naman sa 18 porsiyento ang bilang ng mga Pilipinong underemployed o ‘yung kahit may trabaho ay hindi pa rin sapat ang kita, kaya naghahanap ng ibang pagkakakitaan, mula sa 16.4 porsiyento noong nakaraang taon.
Kumpiyansa naman ang National Economic and Development Authority (NEDA) na mas maraming trabaho ang papasok ngayong taon dahil sa malalaking infrastructure projects ng administrasyon.
<#m_2359479569098996742_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>