Manila, Philippines – Bumaba ng 25 percent ang naitatalang krimen o 8 focus crimes mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon.
Ito ay batay sa data ng Philippine National Police (PNP) na ikinumpara sa naitalang crime rate noong 2017 sa kaparehong panahon.
Sa mga kaso ng murder, bumama ito ng 54 na porsyento o 381 mula sa 832 noong 2017.
Nabawasan rin ang mga kaso ng homicide ng 45 percent o 134 mula sa 242.
Nasa 28 percent naman ang ibinaba ng naitalang kaso ng physical at 11 percent sa mga kaso ng rape.
Naitala rin ang pagbaba ng mga kaso ng crimes against persons sa 32 percent o 2,535 mula sa 3,755 habang ang robbery ay bumama ng 16 percent o 1,266 mula sa 1,512 na mga kaso at 11 percent sa pagnanakaw ng motorsiklo.
Tumaas naman ng walong porsyento ang naitalang kaso ng carnapping mula 77 ay naging 83 na ito.