Good News: Binata sinoli ang nakunang 10,000 pesos sa ATM machine

716
Courtesy Facebook/Aries Cave

Tuwang-tuwa ang netizens sa pagiging good samaritan ng isang lalaki na ibinalik ang 10,000 pesos nakuha sa ATM na pinag-withdrawhan.

Nanawagan si Facebook user Aries Cave kung sino man ang may-ari ng naiwang pera sa ATM machine ng Waltermart Mall, Muñoz Quezon City.


Dagdag pa niya, sinurrender niya ang 10,000 pesos sa BDO Waltermart North Edsa Branch para walang ibang makakuha.

Narito ang kabuuang post:

“Good day po. Baka my kakilala kau na nagwidraw sa bdo..sa waltermart monuz..di nio nakuha ung pera at recibo naiwan sa ATM machine .kinuha ko kc baka makuha ng iba di ibalik sa my ari kawawa nman.binigay ko sa bank ng bdo ung pera waltermart ung pera kau npo mag mag claim don..papasa po sa iba para makuha ng may ari tnx.”

Bumubuhos ng papuri mula sa publiko ang kahanga-hangang ginawa ng binata.

“Wow! Your honest. You have a good heart. Maraming blessing ang dadating sa Iyo.”

 “Good job sana marami pang taong Gaya nya”

Proud of you sir! 👍🏻 kaya nman idetect nang bank yan kasi may 4 digit ending number 👍🏻”

Sa kasalukuyan, umabot na sa 21,000 likes at 43,000 share ang post. Inaalam pa din kung nakuha na ng totoong may-ari ang perang naiwan.

Facebook Comments

From Advertisers