Manila, Philippines – Maaari nang magtrabaho sa China ang mas maraming English teacher at mga nurse.
Ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, nag-alok si Chinese President Xi Jinping na buksan ang mas marami pang oportunidad para sa mga Filipino.
Aniya, ginawa ni Xi ang naturang alok nang magkaharap umano ang mga lider ng Senado at House of Representatives, sa isang hotel sa Bonifacio Global City sa Taguig.
Sabi pa ni Zubiri, nangako rin ang China na tutulong sa turismo ng Pilipinas at ang pagkakaroon ng maritime mechanism para maresolba ang isyu sa West Philippine Sea.
Kabilang rin sa mga tinalakay sa pulong ang pagpapatuloy ng kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at China gayundin ang pagsuporta nito sa kampaniya kontra illegal na droga at terorismo ng bansa.