GOOD NEWS | Christmas bonus at cash gift sa mga empleyado ng gobyerno, matatanggap na ngayong araw!

Matatanggap na ng mga kawani ng gobyerno simula ngayong araw, November 15 ang 14th month pay o Christmas bonus at cash gift.

Ayon kay Department of Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno – ang year-end bonus ay katumbas ang isang buwang sweldo.

Ang cash gift naman aniya ay nagkakahalaga ng ₱5,000.


Ang maagang Pamasko ay alinsunod sa budget circular 2016-4 na nagsasaad na dapat mabigay ang mga nabanggit na bonus na hindi aaga sa November 15.

Bukod dito, asahan na rin ang productivity enhancement incentive simula sa December 15.

Facebook Comments