GOOD NEWS | Clearing operation sa Marawi, tapos na at on-going na ang rehabilitasyon – SAP Go

Pinamamadali na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtapos sa rehabilitasyon ng Marawi.

Ito ang pahayag ni Special Assistant to the President Christopher Laurence Bong Go matapos kumpirmahin na tapos na ang clearing operation at nagsisimula na ang rehabilitasyon sa nawasak na lungsod.

Mahalaga aniya sa pamahalaan na maibalik na sa normal na pamumuhay ang mga residente sa Marawi City pagkatapos ang giyera sa pagitan ng Maute-ISIS at militar doon.


Sinabi ni Go, nakatutok ang Pangulo sa mga proyekto sa Marawi at sa bawat pulong ng kanyang gabinete ay napag-uusapan ang rehabilitasyon doon.

Itinalaga ng Pangulo si HUDCC Chairman Eduardo Del Rosario na siyang tututok sa buong proyekto dahil ayaw nito na marami pang komite na kinakausap.

Paliwanag pa ni Go na madali para sa Pangulo na si Del Rosario lamang ang on top sa programa para kapag pumalpak at ma-delay ang proyekto ay isa lang ang sisisihin.

Kasama din sa rehabilitasyon ang konstruksyon din ng kampo ng militar doon.

Si Go ay dumalo sa graduation ceremony ng 240 Army Jungle Fighters bilang elite force ng Philippine Army sa Camp General Mateo Capinpin sa Tanay Rizal.

Facebook Comments