Manila, Philippines – Bumaba ang bilang ng krimen sa Metro Manila sa Metro Manila.
Sa datos ng National Capital Region Police Office (NCRPO), nabawasan ng 25% ang crime incidents sa kaMaynilaan sa unang anim na buwan ng taon.
Mas mababa rin ng 49% ang crime rate sa unang dalawang taon ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte kumpara sa kaparehas na panahon ng administrasyon ni dating Pangulong Noynoy Aquino.
Ayon kay NCRPO Director Guillermo Eleazar, patunay lamang ito na nagiging matagumpay ang kampanya kontra ilegal na droga.
Mula July 2016 hanggang June 2018, nakapagtala ang NCRPO ng halos 234,000 drug users at pushers na sumuko sa awtoridad.
Nakapag-aresto rin ang NCRPO ng halos 50,000 indibidwal habang higit 1,500 ang na-neutralize sa iba’t-ibang police operations.
Ani Eleazar, ang pagbaba ng bilang ng drug addict sa kalsada ay katumbas na ng pagbaba ng pagkakaroon ng criminal activities.