Kinumpirma ng Department of Education (DepEd) na marami na sa kanilang estudyante ng Senior High School ay nagsisimula sa kanilang trabaho.
Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones higit sa isang milyong Senior High School ang nakapagtapos sa ilalim ng K to 12 program.
60% dito pinagpatuloy ang kanilang pag-aaral sa napiling kurso.
28% ang agad nakapagtrabaho gamit ang natutunan sa technical vocational track.
Habang ang iba naman ay nagtratrabaho na rin gamit iba pang karanasan.
Sinabi ng DepEd na ang pagdeklara sa K to 12 program bilang constitutional at pagkakaroon ng trabaho ng estudyante ay indikasyon na epekto ang nasabing educational system.
Bukod pa dito sinisikap ng DepEd na mapanatiling maayos ang kanilang mga silid-aralan ng sa ganon makapag-concentrate sa pag-aaral ang mga bata.
Sa ngayon mas dumadami na aniya ang mga out-of-school youth na muling bumabalik sa pag-aaral sa paniniwalang malaki na ang kanilang tiyansa na makapagtrabaho.